Home NATIONWIDE Illegal recruiter tiklo sa Baguio

Illegal recruiter tiklo sa Baguio

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang hinihinalang illegal recruiter sa Baguio City nitong Miyerkules, Nobyembre 20.

Ayon kay Police Col. Ruel Tagel, Baguio City police director, nag-aalok ang suspek ng trabaho sa Poland sa biktima nito at hinihimok na magpadala ng pera para masiguro ang deployment.

Matapos makapagbayad, wala namang makukuhang trabaho ang biktima.

Dahil dito ay nagreklamo ang biktima na nasa Isabela, laban sa suspek at mga kasabwat nito.

Nag-isyu ng warrant of arrest ang regional trial court sa Roxas, Isabela laban sa suspek.

Nagkasa ng operasyon ang Baguio City Police Office Intelligence Unit, kasama ang BCPO Station 7, Regional Intelligence Division-Police Regional Office-Cordillera Administrative Region, City Intelligence Team Baguio Regional Intelligence Unit-14, at Roxas Municipal Police
Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Dinala sa Roxas ang akusado kung saan siya nakatakdang humarap sa mga kasong isasampa laban sa kanya.

Hinimok naman ng BCPO ang publiko na maging maingat sa paghahanap ng trabaho abroad. RNT/JGC