MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Ilocos Sur, 9:36 ng umaga ng Lunes, Pebrero 16.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol 49 kilometro timog kanluran ng San Esteban.
May lalim itong 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III ang lindol sa Vigan City, Intensity II sa Candon City, Santol, La Union, at Bontoc, Mountain Province, at Intensity I sa Narvacan, Ilocos Sur, at Aringay, La Union.
Wala namang iniulat na pinsala ngunit posible ang aftershock sa nangyaring lindol. RNT/JGC