Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa flood control, ipagpapatuloy ng Senado – Ejercito

Imbestigasyon sa flood control, ipagpapatuloy ng Senado – Ejercito

1
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senador JV Ejercito na magpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado sa mga umano’y anomalya sa flood control projects kahit kasabay nito ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ejercito, hindi ginagamit ang impeachment upang matabunan ang isyu ng flood control at walang dapat makalusot sa paglustay ng pondo ng bayan.

Sinabi rin niya na naghahanda na ang Office of the Ombudsman na magsampa ng kaso laban sa walong contractor at iba pang sangkot sa mga kuwestiyonableng proyekto.

Bukod sa imbestigasyon, magpapatuloy din ang Senado sa pagtalakay sa panukalang 2027 national budget at iba pang tungkulin nito.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, nangako si Ejercito na magiging tapat at malinaw ang proseso ng budget upang masiguro na ang pera ng taumbayan ay mapupunta sa mga programang tunay na kailangan ng mamamayan.

Magbabalik ang regular na sesyon ng Senado sa Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Muling magpapatuloy ang impeachment trial sa Hulyo 29. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here