ANGELES CITY- Iginiit ni Senador Imee Marcos na “sakit sa ulo” ang mga ulat na naglalahad ng posibilidad na ma-impeach si Vice President Sara Duterte dahil sa ilang pahayag nito sa kapatid ng senador na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Hay nako ipagdasal na lang natin silang lahat,” wika ni Imee nitong Biyernes sa opisyal na pagbubukas ng bagong Pampang Public Market sa Angeles City.
“No’ng una pa kasi alam ko na magkakabangayan ng ganito, maghahagisan ng putok talaga kaya noon pa, sabi ko magiging independent ako. Trabaho na lang dahil ayokong masali diyan masakit sa kalooban, tapos madadamay ka pa,” patuloy niya.
Gayundin, nagpaliwanag si Imee sa pagbisita niya sa chief-of-staff ng Office of Vice President (OVP) na si Zuleika Lopez sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
“Napunta lang ako doon sa Veterans dahil nangyari po sa mga department heads na kinulong. Kaya sinisigurado lang natin na okay yung mga nadadamay na empleyado,” anang senador.
Samantala, hinggil sa payo niya kay Duterte: “Sa amin na ‘yun!” RNT/SA