Manila, Philippines – “Vote not out of convenience, vote with your conscience.”
Ito ang ipinayo ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairman ng House Committee on Justice sa mga kasamahang mambabatas bago pa man nagsagawa ng botohan.
Ito ay matapos ang mahigit sa apat na oras na deliberasyon sa pagtukoy kung ang ikalawang impeachment Maza et al ay “sufficient in substance.”
Nauna nang natukoy ng komite na ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay “sufficient in forms” sa pamamagitan ng botong 24 na pumabor at 21 ang nagsabing walang porma ang mga reklamo.
Bago tuluyang nagbotohan ay binigyan pa ng pagkakataon si Pusong Pinoy Partylist Rep. Jeff Nisay, endorser ng De Jesus impeachment complaint na makapagbigay ng kaniyang paliwanag ngunit sinabihan ito ni Luistro na iklian ang paliwanag dahil nagkaroon na siya ng pagkakataon kahapon ngunit hindi siya nakapagpaliwanag ng husto.
Naniniwala ang tatlong ensi: Tinio, Co, at Elago na sapat ang kanilang binanggit na “recital of facts” upang ang Maza et al na complaint ay may sapat na “substance.”
Matapos mag-mosyon ng botohan ay agad na nagpahayag ng kaniyang pagtutol si Nisay kung kaya nagkaroon ng botohan.
Sa pamamagitan ng botong 42 pabor sa mosyon, isa ang tutol at tatlo ang nag-abstain ay nagdeklara ang komite na ang De Jesus impeachment complaint ay walang sapat na substance.
Isinunod dito ang mosyon ni Caloocan Rep. Edgar Erice na ideklarang “sufficient in substance” ang Maza et al impeachment na tinutulan naman ng may 39 na mambabatas at pito lamang ang pumabor.
Dahil dito, tuwirang idineklara ni House justice committee chair Luistro na ang dalawang impeachment complaints laban kay PBBM ay “insufficient in substance.”
Tuloy ang pagdinig ng komite sa Lunes, February 9. (Meliza Maluntag)