Home METRO Improvised oil spill boom pinagtulungang gawin ng mga mangingisda sa Cavite

Improvised oil spill boom pinagtulungang gawin ng mga mangingisda sa Cavite

110
0

MANILA, Philippines – Sa ginawang monitoring ng Bantay Dagat, MENRO, MDRRMO at Coast Guard ay wala pa sa territorial waters ng Rosario ang oil spill, gayun pa man naghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite katuwang ang mga mangingisda na gumawa ng improvised oil spill boom para sa oil spill.

Matatandaang nitong July 25, 2024 ay lumubog ang MT Terra Nova na may kargang 1.4 million liters ng industrial fuel oil na nagresulta ng oil spill sa Limay, Bataan.

Malaki ang maitutulong ng improvised oil spill boom upang mapigilan ang pagkalat nito sa karagatan.

Mahigpit na pinag-iingat ang lahat at inaabisuhang sumunod sa ‘No Catch Zone’ na ipinatutupad sa mga baybayin na sakop ng Cavite. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here