Home ENTERTAINMENT Ina ni Carlos, binebenta na ang bahay!

Ina ni Carlos, binebenta na ang bahay!

Manila, Philippines – Nais na rin marahil na iwaksi ni Angelica Yulo sa kanyang isip ang mitsa ng kanilang hidwaan ng anak na si Carlos.

Up for sale kasi ang kanilang two-storey house sa isang subdivision sa Anabu, Imus sa Cavite.

Tila dito nagsimula ang girian ng mag-ina, with Carlos “accusing” his mom of spending his money representing the cash incentives na napanalunan sa pagsali sa mga gymnastic competition.

Naka-post ngayon ang larawan ng facade ng bahay.

Naka-tag din ito sa mister ni Angelica na si Mark Andrew.

Kumpleto ang mga gamit sa loob ng bahay.

Makikita pa nga ang split-type aircon sa terrace sa ikalawang palapag nito.

Ayon sa mga taong privy to the money issue between Angelica and Carlos, ang bahay na ‘yon ay ginamit ng una bilang investment.

‘Yun naman daw kasi ang bilin niya sa mga anak–ang magpundar ng gamit o ari-arian mula sa katas ng kanilang napanalunan.

Tila hindi na rin makukuhang tirhan ‘yon ng Yulo family dahil naka-base sila sa Leveriza, Manila.

Asahan na ring hindi ‘yon uuwian ni Carlos dahil bahagi ng kanyang incentives ay ang P32M worth na fully furnished condo unit.

Puwera pa rito ang house and lot sa Batangas at resthouse sa Tagaytay. Ronnie Carrasco III