Home NATIONWIDE Ina patay sa anak na may problema sa pag-iisip

Ina patay sa anak na may problema sa pag-iisip

93
0

LEYTE – PATAY ang isang ina matapos pukpukin ng malaking bato sa ulo ng anak na lalaking may problema umano sa pag-iisip, iniulat sa probinsyang ito.

Dead-on-the-spot ang 77-anyos na biktima habang nadakip naman sa follow-up operation ang suspek na si alyas Rico, 35-anyos at kapwa residente ng Riverside, Barangay Macupa, Leyte.

Batay sa report ng Leyte-PNP, naganap ang krimen 5:30 ng hapon noong Oktubre 7, 2025 sa loob ng bahay ng mag-ina sa nasabing lugar.

Sa pag-imbestiga ng pulisya, dumating ang suspek sa kanilang bahay at naghanap ng pagkain subalit walang maihain ang kanyang ina.

Dahil dito, posible umanong sinumpong ang suspek sa sakit nito sa pag-iisip at kumuha ng malaking bato saka ipinukpok sa ulo ng ina na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Dumating naman ang kapatid na babae ng suspek sa kanilang bahay at naabutan tumatakbo ang huli habang ang ina ay naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

Kuwento ng babaeng ng kapatid ng suspek na may problema sa pag-iisip si Rico at madalas itong sinusumpong.

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nahaharap sa kasong parricide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here