Home METRO Inanod ng baha sa N. Ecija, bangkay nang bumulaga

Inanod ng baha sa N. Ecija, bangkay nang bumulaga

268
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Matapos ang ilang araw na pagkawala matapos anurin ng baha habang tumatawid sa irrigation canal sa Talavera noong kasagsagan ng bagyo noong Lunes, bangkay na nang marekober ang isang miyembro ng Civilian Security Unit (CSU) sa ilog sa Purok Uno, Brgy. Sto. Tomas, North Jaen, Nueva Ecija.

Base sa report ng Jaen Police kay Nueva Ecija PNP acting  provincial director, PCol. Heryl “Daguit “ Bruno, nakatanggap ng tawag ang mga pulis at MDRRMO Jaen mula sa mga bantay-bayan ng Barangay Sto. Tomas North ukol sa palutang-lutang na bangkay sa ilog kamakalawa.

Agad rumesponde ang mga pulis kasama ang MDRRMO sa lugar at narekober ang katawan ng isang lalake na kalauna’y kinilala na si Romeo Garcia, 59, miyembro ng CSU at residente ng Purok 5, Brgy. Pula, Talavera,

Nabatid sa imbestigasyon na habang kasagsagan ng malakas na ulan, dala ng habagat ay tinangkang tumawid ng biktima sa umapaw na irrigation canal para isalba ang kanyang alagang kalabaw.

Dahil sa malakas na current ng tubig ay tinangay ang biktima at hindi na nakita.

Ipinaalala ni Jaen Mayor Sylvester Austria sa publiko ang ibayong pag-iingat . Kundi aniya kinakailangang lumabas sa bahay ay manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan at iwasan ang pagpalaot o paliligo sa mga ilog lalo ngayong may kalamidad. MARINA BERNARDINO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here