Home NATIONWIDE INC magrarali bilang suporta kay PBBM vs impeach Sara

INC magrarali bilang suporta kay PBBM vs impeach Sara

159
0

MANILA, Philippines- MAGKAKASA ang Iglesia ni Cristo (INC) ng rally bilang suporta sa panawagan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Inanunsyo ito sa isa sa television programs sa media outlet ng INC nitong Miyerkules ng gabi.

“Ang mga kapatid sa INC ay naghahanda na magsagawa ng rally upang ipahayag sa lahat ng kinauukulan na ang INC ay pabor sa opinyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi sumang-ayon sa isinusulong ng ilang sektor na impeachment dahil maraming problema ang ating bansa na dapat unahin ng pamahalaan,” pahayag ng television host. 

“Ang INC ay para sa kapayapaan. Ayaw natin sa anumang uri ng kaguluhan na manggagaling sa anumang panig,” dagdag pa.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya sinusuportahan ang anumang impeachment plan laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit nya, hindi umano makikinabang dito ang mga Pilipino.

Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa dalawang impeachment complaints. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here