Home TOP STORIES “Independent nation” iginiit ng Taiwan matapos babala ni Trump

“Independent nation” iginiit ng Taiwan matapos babala ni Trump

46
0

TAIPEI, Taiwan – Iginiit ng Taiwan na isa itong “independent” at sovereign na bansa matapos magbabala si US President Donald Trump laban sa pagdedeklara nito ng formal independence.

“Taiwan is a sovereign and independent democratic nation, and is not subordinate to the People’s Republic of China,” ayon sa foreign ministry ng Taiwan.

Ang pahayag ay inilabas ilang oras matapos ang warning ni Trump, kasunod ng kanyang state visit sa Beijing kung saan nakipagpulong siya kay Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Trump, hindi niya nais na lumala ang tensyon sa isyu ng Taiwan: “I’m not looking to have somebody go independent… I want them to cool down. I want China to cool down.”

“We’re not looking to have wars, and if you kept it the way it is, I think China’s going to be OK with that,” dagdag pa niya.

Umaasa ang Taiwan na mananatili ang suporta ng United States, lalo na sa usapin ng seguridad at arms sales. Ayon sa Presidential Office nito, nananatiling hindi nagbabago ang posisyon ng US sa ilalim ng Taiwan Relations Act.

“Taiwan-US cooperation has always been demonstrated through action,” ayon sa spokeswoman na si Karen Kuo.

Iginiit din ng Taiwan na bahagi ng US commitment ang pagbibigay ng armas, na mahalaga umano sa pagpigil sa banta sa rehiyon.

Samantala, patuloy na iginiit ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan at hindi inaalis ang posibilidad ng paggamit ng puwersa. Sinabi rin ni Xi na maaaring magdulot ng “conflict” ang maling hakbang sa isyu.

Patuloy ding pinapalakas ng Taiwan ang depensa nito, kabilang ang $25 bilyong defense spending para sa US weapons at iba pang military equipment. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here