Home NATIONWIDE Indian national arestado sa P1M puslit na sigarilyo

Indian national arestado sa P1M puslit na sigarilyo

50
0

BESAO, Mt. Province – Inaresto ng mga kapulisan ang isang Indian national na umano’y nag-iingat ng mga puslit na sigarilyo sa Kin-iway, Besao, Mt Province.

Ang suspek ay isang na isang 33-anyos na negosyante pansamantalang naninirahan sa bansa.

Nanguna sa operasyon ang Mountain Province Police Provincial Office katuwang ang Bureau of Internal Revenue- Mt Province na nagbunga sa pagkkahuli rito at pagkakakumpiska ng 82 reams ng Modern Red Cigaretes, 15 reams ng Modern Light na sigarilyo at 10 pakete ng Modern Red cigarettes na may kabuuang P53,900.00 at nagkakahalaga naman ng P850,124.49 sa pagtaya ng Bureau of Internal Revenue na isinailalim sa imbentaryo.

Nahaharap ang Indian National sa paglabag sa RA 10643 o ang Graphic Health Warning Law at RA 10963 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na dinala na sa Besao Municipal Police Station. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here