Home HOME BANNER STORY Inflation ‘most urgent’ nat’l concern pa rin ng mayorya ng mga Pinoy...

Inflation ‘most urgent’ nat’l concern pa rin ng mayorya ng mga Pinoy –  sarbey

MANILA, Philippines- Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na nananatiling “most urgent issue” ang pagkontrol sa inflation mula sa 17 national concerns na tinukoy sa March 2024 survey ng Pulse Asia.

Base sa survey results, tanging ang pangangailangan na kontrolin ang sumisirit na presyo ng mga pangunahing bilihin ang national concern na itinuturing na urgent ng 70 porsyento ng mga Pilipino.

“Public opinion on the matter hardly changed between December 2023 and March 2024,” pahayag sa ulat ng Pulse Asia na inilathala nitong Biyernes.

Napag-alaman din nito na 36 porsyento ng mga Pilipino ang iniisip ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.

Samantala, naniniwala ang ilang respondents na ang paglaban sa government corruption (26 porsyento), paglikha ng mas maraming trabaho (25 porsyento), at pag-ahon sa kahirapan (25 porsyento) ang urgent national concerns.

Nilahukan ang first quarter 2024 “Ulat ng Bayan” survey, na isinagawa mula March 6 hanggang 10, ng 1,200 respondents sa buong bansa. RNT/SA