Home HOME BANNER STORY Inflation rate bumilis sa 3.7% noong Marso

Inflation rate bumilis sa 3.7% noong Marso

MANILA, Philippines- Umarangkada ang inflation rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Marso.

Ito’y itinuturing na “second straight month” ng pagbilis sa gitna ng matulin na pagtaas sa halaga ng pagkain at transportasyon.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation —kung saan sinusukat ang “rate of increase” sa presyo ng mga kalakal at serbisyo ay bumilis sa 3.7% noong Marso 2024 mula 3.4% noong Pebrero 2024.

Ang inflation rate noong nakaraang buwan ay mas mabagal kaysa sa 7.6% rate na nakita noong Marso ng nakaraang taon.

“This brought the year-to-date inflation print to stand at 3.3%, falling within the government’s ceiling of 2% to 4%.

It also fell within the BSP’s 3.4% to 4.2% forecast range for the period,” ayon sa PSA.

Ani Mapa, ang pangunahing dahilan na nakaimpluwensiya sa overall inflation uptrend noong Marso ay ang “heavily-weighted Food and Non-Alcoholic Beverages index” kung saan nakitaan ng inflation rate na 5.6% mula 4.6% noong Pebrero.

Ang Food and Non-Alcoholic Beverages index ay nakapag-ambag ng 76.4% sa overall inflation rate increase para sa nasabing buwan.

“Faster upticks in Transport index at 2.1% from 1.2% month-on-month as well as Restaurants and Accommodation Services at 5.6% from 5.3% a month earlier also contributed to March’s inflation uptrend,” base sa PSA.

Gayundin, ang food inflation —kung saan sinubaybayan ang price movements sa “basket” ng pagkain na karaniwang binibili ng sambahayan ay tumaas sa 5.7% mula 4.8% noong Pebrero.

Ang itinuturong “main culprit” ay ang bigas kung saan nakita ang inflation rate sa  24.4%, mas mabilis kaysa 23.7% noong Pebrero.

Ito rin ang pinakamabilis na inflation print para sa butil ng palay sa loob ng 15 taon kung saan nagsimula sa 24.6% noong Pebrero 2009.

Ang meat inflation ay tumaas din ng 2% mula 0.7% “month-on-month.”

Samantala, naramdaman naman ang inflation rate sa pinakamababang 30% income households sa bansa kung saan tumaas sa 4.6% mula 4.2% noong Pebrero, nananatiling bunsod sa mabilis na pagtaas sa Food and Non-Alcoholic Beverages na 7.1% mula 6.4% sa unang bahagi ng buwan.

Ang food inflation para sa income class ay bumilis din sa 7.4% mula 6.5%. Kris Jose