Home NATIONWIDE ‘Informal inverstigation’ inilunsad ng NBI vs regional director sa bribery allegations

‘Informal inverstigation’ inilunsad ng NBI vs regional director sa bribery allegations

191
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa na ng “informal investigation” ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay NBI Region II Director Archie Albao sa gitna ng alegasyon na siya umano ay tumanggap ng suhol mula sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Apollo Quiboloy.

Sinabi ni NBI director Jaime Santiago na hindi pa pormal ang imbestigasyon ngunit mayroong pa rin umano itong tiwala sa kanyang regional director.

Noong nakaraang linggo, nagsilbi ng warrant ang NBI-Region II laban kay Quiboloy sa KOJC sa Davao City.

Kasunod nito ay nanawagan ng imbestigasyon ang dating miyembro ng KOJC na si Arelene Stone laban kay Albao dahil sa panunuhol.

Sinabi ni Stone sa isang video na siya ang nagbigay ng suhol ngunit hindi siya sigurado kung natuloy ito pagkatapos niyang umalis sa KOJC.

Sinabi ni Santiago na si Albao ay walang koneksyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil itinalaga ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Oktubre 2022.

“Ngayon during the time ng appointment Niya, Pastor Quiboloy is a known tumutullong .Mabait na tao. Wala naman siyang kaso noon, during those days. So ano bang msama na yung pastor ay tumutulong doon sa government agencies, giving them financial, whatever support. Yung sinasabi ni Stone na siya pa ang nag-aabot,” paliwanag ni Santiago.

Noong Nobyembre 2021, kinasuhan ng US prosecutors si Quiboloy at iba pa dahil sa umano’y pagpapatakbo ng sex trafficking operation, kung saan sinasabing tinatakot ang mga biktima na 12 taong gulang pa lamang ng ‘eternal damnation’ at pisikal na pang-aabuso.

Pebrero 2022 naman nang ilabas ang wanted posters ni Quiboloy ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Isinampa ang kaso laban kay Quiboloy sa Pilipinas noong Marso 2024.

Samantala, kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isinampa laban kay Quiboloy sa Davao court.

Binigyang-diin ni Santiago na ang nangyari noong Agosto 9 ay hindi pagsalakay ngunit pagsisilbi ng warrant. Inatasan din ni Santiago si Albao na kumbinsihin si Quiboloy na sumuko nang mapayapa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here