MANILA, Philippines – Nagtamo ng pinsala ang ilang istruktura ng flood control sa ilang bahagi ng Ilocos Sur dahil sa malalakas na pag-ulan na nagpalakas ng agos sa mga ilog.
Kasama rito ang bagong tayong river control project sa Narvacan, Ilocos Sur, partikular sa Barangay Nanguneg West matapos mapinsala ng ilog noong Lunes, Agosto 10.
Unang nasira ang tulay na nakakonekta sa tulay at sumunod na ang river wall na nakadugtong naman sa naturang tulay.
Kakakumpleto pa laman ng proyekto noong Hulyo 2026.
Naghuhukay na ng temporary water channel ang lokal na pamahalaan upang mabawasan ang pressure ng ilog at makontrol ang daloy ng tubig.
Nasira rin ang nasa 500 hanggang 800 metro ng dike sa Quirino, Ilocos Sur dahil sa malakas na current ng ilog, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Naunang gumuho ang lupa na malapit dito, kung saan nagtatagpo ang Matong at Abra river.
Hinimok naman ang mga residente na maging alerto sa malalakas na pag-ulan. RNT/JGC