Home NATIONWIDE Inspeksyon sa mga kumpanya sa platform economy, pinaigting ng DOLE

Inspeksyon sa mga kumpanya sa platform economy, pinaigting ng DOLE

1
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inspeksyon sa mga workplaces para matiyak ang pagsunod sa labor standards at OSH,  lalo na sa platform economy.

Ito ay kasunod ng pagpanaw ng EV driver na si Arnel Navarro Cruz, 47, ng AMRC Holdings/AMRC Renewable Corp. sa Marikina noong Hulyo 20, 2026.

Inatasan ni DOLE Sec. Francis N. Tolentino ang DOLE-NCR na imbestigahan ang kumpanya.

Sa inspeksyon noong Hulyo 30, nakita ang mga pagkukulang ng AMRC gaya ng:

-Labor standards: Walang payroll, SSS/PhilHealth/HDMF remittances, 13th Month Pay at SIL proofs

-OSH: Walang OSH program, safety officers, first aider, health personnel at Fire Safety Certificate

Binigyan ang kumpanya hanggang Agosto 19, 2026 para tugunan ang mga ito. Kung hindi, maglalabas ng Compliance Order at magsasagawa ng enforcement proceedings ang DOLE.

Hinikayat din ni Sec. Tolentino ang dayalogo ng mga driver at management kahit walang CBA, at inatasan ang kumpanya na huwag tanggalin ang mga driver na nagreklamo.

Nakatanggap na ng P5,000 burial assistance ang pamilya ni Cruz at pinoproseso na ang final pay. Mag-iinspeksyon din ang DOLE-NCR sa iba pang charging station operators tulad ng VinFast at VGreen.

Binigyang-diin ni Sec. Tolentino ang suporta ng gobyerno  para protektahan ang mga platform worker at itaguyod ang decent work sa gitna ng pagbabago sa mundo ng paggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here