MANILA, Philippines – Inihain ang isang panukala sa Senado na naglalayong isama ang internet safety education at elementary at high school curriculums para balaan ang mga bata mula sa mga banta online.
Inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang Senate Bill 1934 o ang Internet Safety Education Act “to empower” ang mga bata nang mga mekanismo para sa “safely navigating the virtual world early on and minimize, if not eliminate, its threats and dangers.”
Sa paghahain ng panukala, tinukoy ni Estrada ang panawagan ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) noong 2017 para sa global community na lumikha ng ligtas na digital world sa mga bata.
Dagdag pa sa panawagan, tinukoy ng UNICEF ang nakaaalarmang sitwasyon sa Pilipinas kung saan “the risks to children are high with the country being the number one global source of child pornography and a hub for the livestream sexual abuse trade.”
Sa datos, siyam sa bawat 10 batang Filipino ang vulnerable sa online sexual abuse o bullying.
Batid ni Estrada na naisabatas na ang Republic Act 11930, o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Act ngunit iginiit na maaaring samahan ng SB 1934 ang batas na ito na nagbibigay ng preventive education para protektahan ang mga bata sa online dangers.
“This is one worthwhile springboard for the government to actively ensure the safety of children as they explore the internet,” sinabi pa ni Estrada.
Sa ilalim ng SB 1934, pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng Internet Safety Education Program.
Professional training sa mga guro, administrators, at school staff sa internet safety at new media literacy.
Peer-driven internet safety education initiatives.
Lilikha ang DepEd ng online risk prevention programs para sa mga bata, magsagawa ng public education campaigns sa mga magulang, at makipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology para sa technical guidance.
Dagdag pa, binibigyang mandato ng DepEd ang pagpopondo at pakikipag-ugnayan sa research initiatives para higit na maunawaan ang online risks, at pagkakaroon ng evidence-based policy and program development. RNT/JGC