Home ENTERTAINMENT Ion, na-bash sa pagtakbo; Vice, damay!

Ion, na-bash sa pagtakbo; Vice, damay!

115
0

Manila, Philippines- Trending topic sa mga tsismosang kapitbahay ang pagpasok sa pulitika ni Ion Perez.

Tatakbo kasi ang partner ni Vice Ganda bilang konsehal sa isang bayan sa Tarlac.

Sighted din siya sa isang forum kung saan nanumpa siya bilang bagong miyembro ng isang political party na suportado ng kanilang gobernador.

Ngayon pa lang, nag-react na agad ang mga nagmamaldita sa nasabing move ng dating “Mr. Escort” at “It’s Showtime” co-host.

Binabatikos rin ito ng mga pa-savage na kumukuwestiyon sa kanyang credentials.

Tanong pa ng mga nagmamahadera, may blessings daw kaya ni Meme ang desisyong ito ng kanyang dyowa.

Abangers din sila sa magiging pahayag ni Meme hinggil sa desisyon ng mister na pumalaot sa public service.

Very vocal kasi noon ang unkabogable star sa pagsasabing ‘hate’ niya ang mga trapo at mga kandidatong mema lang o walang maipagmamalaking credentials.

Katunayan, may mga nag-engganyo noon sa TV host-comedian na sumabak sa pulitika pero tinanggihan niya ito.

Hirit niya, hindi raw niya forte ang pulitika kahit naniniwala siyang puwede siyang manalo dahil sa rami ng kanyang followers.

Dagdag pa niya, dahil sa walang kaalaman sa nasabing larangan, baka raw maipahamak pa niya ang Pinas.

Sey pa niya, hindi raw porke’t puwede siyang manalo ay tatakbo na siya.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng netizens sa pagtakbo ng dyowa ni Meme.

“Kaloka, bakit hinayaan ni Meme Vice.”

“Ano kayang say ni VG dito? Eh, ayaw pa naman ni VG sa mga political aspirant na mema lang, very vocal siya about it.”

“Isang malaking WTF!!! Meme Vice akala ko ba galit ka sa trapo? Juskoooo bakit?? Aantayin ko kung ano’ng say ni VG dito. Mukhang kakainin niya lahat ng parinig niya dati. Konsehal pa talaga?? E sobrang simpleng spelling nga lang di kaya.”

“Ano to? Gamit na gamit na naman si Meme para sa boto.”

“Nag-SK Chairman naman daw sya.”

“Haru josko. Sana manahimik nlng sya sa tabi ni VG.”

“If he really wants to help then he can help as a private citizen.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here