Home NATIONWIDE Isa pang barko lumubog sa Bataan – PCG

Isa pang barko lumubog sa Bataan – PCG

169
0

MANILA, Philippines – Isa pang barko ang lumubog sa Bataan nitong Hulyo 27, ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa latest update, tumulak ang 44-meter Coast Guard vessels sa bisinidad baybayin ng Barangay Cabcaben, Mariveles Bataan at nakumpirma ang presensya ng lumubog na barko.

Agad na nagsagawa ang Coast Guard divers ng initial underwater assessment ngayong araw at natukoy ang barko na MTKR Jason Bradley.

Nagpapatuloy ang diving operations upang madetermina ang lagay ng lumubog na barko.

Ayon kay Coast Guard Station Bataan Commander, CG Lieutenant Commander Michael John Encina, ang barko ay walang lulan na kargamento,

Sinabi ng PCG na naghahanda na ang shipping company ng equipment na kakailanganin para sa salvage operations na tatagal ng isa o dalawang linggo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here