MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya ang nanalo ng ₱25 milyong jackpot prize sa SuperLotto 6/49 draw nitong Linggo, Mayo 24, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Lumabas ang winning combination na 33-24-12-13-04-09 para sa ₱25 milyong jackpot, at isang ticket ang tumama sa lahat ng numero.
Samantala, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na umabot sa ₱75 milyon. Ang winning combination nito ay 50-12-20-57-14-21. RNT/MND