Home NATIONWIDE Isang buwan sahod ng bagong mayorya, ibibigay sa Mindanao quake victims

Isang buwan sahod ng bagong mayorya, ibibigay sa Mindanao quake victims

2
0

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang bagong mayorya sa Senado sa pamumuno ni Senate President Pro-Tempore Sherwin Gatchalian na ibigay sa biktima ng lindol sa Mindanao ang isang buwang sahod nila na aabot sa mahigit P3 milyon.

Sa magkasanib na kalatas, sinabi ng bagong mayorya na ibibigay ang kani-kanilang sahod bilang suporta sa relief efforts ng mga komunidad na naapektuhan ng 7.8 lindol sa Sarangani Province at karaitg lalawigan sa Mindanao na umabot sa Zamboanga Peninsula.

Base sa ulat ng Office of the Civil Defense, umabot na sa 37 ang namatay, apat ang nawawala at 456 indibiduwal ang nasugatan ng lindol na yumanig sa lugar kahapon ng uamga bago magsimula ang klase, Hunyo 8.

Aabot sa mahigit 77,186 katao ang buong Mindanao ang apektado ng lindol.

“As a personal contribution to the relief effort, members of the Senate New Majority are prepared to donate one month of our salary to help support affected communities,” ayon sa grupo ni Gatchalian sa isang joint statement nitong Martes.

Bukod kay Gatchalian, kasama ang bagong mayorya sina  Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, at Senador  Vicente Sotto III, Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Francis Pangilinan, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, JV Ejercito, Lito Lapid, and Francis “Chiz” Escudero.

“The Senate New Majority stands with the families and communities in Mindanao who are now facing the painful work of rescue, relief, rebuilding and recovery after the powerful earthquake,” anila.

Umaabot sa P278, 434 hanggang P381,748 ang sahod ng kada senador sa Mataas na Kapulungan kaya maaaring makapagbigay ng donasyon ang grupo na aabot sa P3 milyon.

Hinikayat din ng mayorya ang minority group na lumahok sa kanilang inisyatiba.

 “While this is a small contribution, we hope our colleagues in the minority will join us in this effort… This is a moment when the Senate, whatever its internal divisions, can still speak through one act of shared compassion,” ayon sa bloke ni Gatchalian.

Anila: ‘the contribution   “should go to immediate needs such as food, clean water, medicine, temporary shelter and other assistance identified by local communities and responders on the ground.”  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here