Home OPINION ISANG HAMON KAY SILG REMULLA

ISANG HAMON KAY SILG REMULLA

228
0

PARA patunayan na seryoso ang “anti-epal campaign” ng gobyerno sa mga politiko na mahilig “i-plaster” ang kanilang mga mukha sa mga proyektong pambayan, naglabas pala ng ‘memorandum’ si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa kanyang mga nasasakupan (read: PNP) na alisin ang mga ito bilang pagsunod na rin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na nakasaad din sa ating ‘2026 national budget.’

Bagaman walang relasyon sa kanyang utos, marahil mainam din para sa kredibilidad ng bunsong kapatid ni Ombudsman Boying ‘Bossman’ Remulla, kung unahin na niyang “bastunin” ang mga pulis dyan sa Malolos City na mukhang ang totoong “boss” ay itong si Governor Daniel Fernando?

Sa himutok kasi ni National Press Club lifetime member, Orlan Mauricio, “pilit” umano silang idinadawit ng kanyang anak na lalaki ng mga pulis-Malolos sa pagkamatay ng isang pulis (PSSG Renato Casaway) noong Enero 24. Nakuha ang bangkay ng biktima sa isang poso-negro noong Enero 31.

Kung matino ang imbestigasyon at walang halong pulitika, ‘close and shut case’ na ito sa tingin ng karamihan. “Umamin” na kasi ang ‘gunman’ na si Julian ‘Mon’ Salamat na siya ang bumaril at “nagbaon” sa biktima matapos mainsulto sa masamang biro (kantyaw) ng biktima sa kanya.

Sa isa ring pulis “nangumpisal” si Salamat subalit hindi naman hinuli kaya ‘at-large’ pa rin hanggang ngayon. Dahil ba ‘police asset’ din ang gunman kaya pinabayaan lang?

Bistado sa buong Bulacan ang matinding away nina kasamang Orlan at Governor Dan dahil ang una ay Number One critic’ ng gobernador. Sa katunayan, nagpapalitan na ng demanda at reklamo ang dalawang ito.

Magkaganito man, wasto at tama ba, SILG Jonvic at Chief PNP Jose Melencio Nartatez ang ganitong istilo ng mga pulis-Malolos?

Wasto bang isasabit nila sa mabigat na kasong murder ang isang mamamahayag at kanyang anak kahit walang ebidensiya at may umamin nang suspek? Sa anong dahilan?

At totoo bang mayroon pang ‘torture mark’ ang anak ni Orlan? Commission on Human Rights, pasok!

Kung hindi ito kayang aksyunan ni SILG Jonvic, paano maniniwala ang publiko na kaya niyang ipatupad ang ang utos niya laban sa mga epal na politiko.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here