MANILA, Philippines – Lumakas ang tropical cyclone Isang habang paalis ito sa Philippine Area of Responsibility, sinabi ng PAGASA sa kanilang 5 a.m. Saturday bulletin.
Ang bagyong Isang ay naging isang tropical storm na may lakas ng hangin na 65 km/h at pagbugsong aabot sa 80 km/h. Huli itong namataan sa layong 290 km kanluran ng Bacnotan, La Union, na patungong kanluran sa bilis na 25 km/h.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay nakataas sa 13 lugar sa bansa:
-Ilocos Norte
-Ilocos Sur
-La Union
-the northern portion of Pangasinan (Lingayen, City of Alaminos, Anda, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, San Manuel, Sual, Labrador, Bani, Pozorrubio, Laoac, Mabini, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Infanta, Agno, Calasiao, San Nicolas, Santa Barbara, Dasol, Sison)
-Apayao
-Abra
-Kalinga
-Mountain Province
-Ifugao
-Benguet
-the western portion of Cagayan (Piat, Santo Niño, Tuao, Pamplona, Rizal, Claveria, Lasam, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Aparri, Camalaniugan, Alcala, Amulung, Solana, Enrile) including Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.,)
-the western portion of Isabela (Cordon, Ramon, San Mateo, Aurora, San Manuel, Roxas, Mallig, Quezon, Santa Maria)
-the northwestern portion of Nueva Vizcaya (Bayombong, Ambaguio, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Aritao, Bambang, Solano, Bagabag, Diadi)
Ang Ilocos Region ay makakaranas ng mga pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin, habang ang Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Isang.
Ang labangan ng isang low pressure area ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.
Ang Southwest Monsoon (Habagat) ay makakaapekto sa Occidental Mindoro, Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Inaasahan ang localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA na lalabas si Isang sa PAR sa Sabado ng umaga. “It will gradually intensify and may reach typhoon category while approaching the waters south of Hainan, China,” dagdag nito. RNT/MND