ZAMBALES, Philippines – Narekober ng mga mangingisda ang isang ‘unidentifed device’ na pinaniniwalaang underwater drone na may markang Chinese characters sa katubigan sakop ng Zambales.
Ito umano ay nakita sa layong 80 nautical miles kanluran ng Sampaloc Point noong Agosto 22 habang nagsasagawa ng fishing venture.
Ini-ahon ito sa pamamagitan ng ‘kawil’, isang tradisyunal na pamamaraan ng mangingisda.
Kinumpirma naman ni Commander Euphrraim Jayson Diciano, hepe ng PCG Zambales na itinurn-over ng mga mangingisda ang ilang bahagi ng drone.
Ayon kay Diciano, dadalhin ito sa Manila para sa karagdagang imbestigasyon.
Hindi naman kinumpirma ni Diciano kung talagang underwater drone ang narekober dahil wala pang resulta ang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden