Home ENTERTAINMENT Isko, babu na sa pulitika, final answer na!

Isko, babu na sa pulitika, final answer na!

Manila, Philippines – Dapat sana’y inspiradong muli si Isko Moreno na muling pumalaot sa pulitika.

Ang panawagan nga ng mga supporter niya ay tumakbo ang dating alkalde ng Maynila sa Senado sa mid-term elections sa susunod na taon.

Matatandaang many elections ago ay sa pagka-senador ang pinuntirya ni Isko.

Hindi nga lang siya pinalad sa pambansang puwesto not knowing na mas kapaki-pakinabang pala siya sa lokal na puwesto.

Sa ngayon, lalong lumalakas ang public clamor na subukan niyang muli ang Senado lalo’t prominente ang pangalan ni Isko sa mga survey ng mga senatoriables.

Kaso, sorry na lang daw sa mga taong umaasa dahil hindi raw siya ginigiyang to make a stab at running for a senatorial seat.

Wala na raw sa pulitika ang mindset ni lsko.

Mas excited daw kasi ang ama ni Joaquin Domagoso sa mga plano sa kanya ng Sparkle, ang talent arm ng GMA.

Much of Isko’s excitement stems from the fact nang bigyan siya ng pagkakataon ng GMA na maging main host ng now-defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

Bagama’t it was technically Tape, Inc. that engaged his hosting services, let’s not forget that Isko traces his roots to GMA.

Kahit ngayong wala na siya sa political limelight, present pa rin si Isko sa mga important events sa Maynila.

Kamakailan lang, hindi maaaring hindi mawala ang dating mayor nang pasinayaan ang Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc.

Project pa kasi ito ni Isko under his mayoral term.

May 10 storeys ang nasabing paaralan complete with facilities na conducive para sa mga mag-aaral.

Meron itong gym, laboratories, air-conditioned classrooms, basketball court at football field.

Tinatayang ito ang pinakamalaking public elementary school sa buong Kalakhang Maynila, kundi man sa buong bansa. Ronnie Carrasco III