Home HOME BANNER STORY Isla Puting Bato sa Tondo nilamong ng malaimpyernong apoy!

Isla Puting Bato sa Tondo nilamong ng malaimpyernong apoy!

Kasalukuyang tinutupok ngayon ng malaking apoy ang residential area sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Alas 8:02 ng unang iakyat ang alarma na Ngayon ay nasa Task Force Alpha na.

Ang mabilis na pagkalat ng malaking apoy ay dahil sa mga bahay na gawa sa kahoy o light materials bukod pa sa dikit-dikit ang mga ito.

Sa aerial survey ng Manila Disaster Risk Reduction Office, makikita ang nagngangalait na apoy at makapal na usok habang nasusunog ang mga kabahayan.

Pinayuhan naman ng Manila Public Information Office ang publiko na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)