Home OPINION ISRAELI TECHNOLOGY PARA SA PAGGAMIT NG WATER DESALINATION PINAG-AARALAN ng DENR

ISRAELI TECHNOLOGY PARA SA PAGGAMIT NG WATER DESALINATION PINAG-AARALAN ng DENR

MASUSING pinag-aaralan ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang paggamit ng teknolohiyang ginagamit ng bansang Israel para matugunan ang pangangai­langan sa malinis at maiinom na tubig ng 65 island Barangays sa Pilipinas.

Ang pagbibigay-proteksyon sa ating mga kagubatan ay pagbibigay-proteksyon din sa ating mga sarili. Tandaan natin na ang malinis na tubig na ating iniinom ay nagmumula sa mga watershed natin na pinananatiling malinis ng mga puno sa pali­gid nito, kapag naubos na ito, wala ng maiinom na malinis na tubig.

Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, tini­tingnan na nila ngayon ang isang kompaya sa Israel na guma­gamit ng teknolohiya para sa desalination. Sa kasalukuyan, 75% ng portable water ng Israel ay nagmumula sa desalinated water ng Mediterranean Sea.

Patuloy na naghahanap ang kagawaran ng kompanya sa Israel na kakayanin ang inilaang badget na anim na milyon (Php 6 million) hanggang walong milyon piso (Php 8 million) lamang bawat Barangay.

Aminado ang DENR na hindi kakayanin pa ng pamahalaan ang magtayo ng desalination plant sa bansa dahil mangangai­langan ito ng US$ 700 million o katumbas ng Php39.61 billion.

Para mas maging mura, per Barangay na nangangaila­ngan ang pamamaraang nakikita batay na rin sa naging pakikipag-usap ng kagawaran kay ambassador Ilan Fluss.
Ibig sabihin, mangangailangan lamang ng Php 390 million hanggang Php520 million sa target na 65 Barangays.

Sa plano ng DENR, ang nakasasakop na local water utility district ang siyang mamamahala ng programa o kung wala ay tutulungan ng kagawaran ang local government unit.

Malaking ginhawa umano ito sa mga residente ng mga island Barangay na kinakailangan pang pumalaot sa dagat para lamang makabili ng tubig na sobrang mataas ang presyo.

Sa datos ng DENR, nasa 63 million na Filipino ang walang access para sa malinis at ligtas na tubig.