Home OPINION ISTILONG NPA NG ISANG ‘MEDIA’

ISTILONG NPA NG ISANG ‘MEDIA’

230
0

ISANG kaibigan ang tumawag sa atin upang humingi ng payo hinggil sa isang ‘Provincial Media’ na umano’y “malufet,” as in, “matindi” kung “mangikil” sa mga opisyal ng isang ahensya ng gobyerno.

Aber, sa kanilang pagkuwenta, ‘Boss’ Joey Venancio, Lea Botones at mga kapatid natin d’yan sa Central Luzon Media Association, lalampas na sa— kapit kayo sa mga silya—higit P5 MILYON ang “nakubra” ng damuho sa mga opisyal ng gobyerno sa isang probinsiya dyan sa Central Luzon!

May pagkakataon pa nga raw na P1 MILYON ang ibinigay sa kanya, woohoow!

Matagal na rin naman tayo sa media at nag-cover din sa ‘provincial beat’ pero hindi pa natin naranasan, PRO4-A president, Ed Amoroso, na mabigyan ng ganyang ‘sandamukal na halaga ng ating mga natulungan sa media, ‘di ba?!

Kung “babalansehin” naman, “kasalanan” din ito ng mga opisyal sa nasabing ahensya dahil “kunsintidor” sila sa maling gawain ng nasabing “reporter.”

Marahil pa, may mga “lihim ng Gudalupe” sa kanilang ahensya na ayaw nilang mabisto at maiskandalo kaya kahit “hikahos” na, “nagtitiis” na lang, huhuhu!

Pamilyar na kasi sa atin ang “sistema:” Kapag hindi sila naghatag, “binabanatan” sa kanyang “dyaryo” at sinisiraan hanggang sa ‘Head of the Agency’– na mabuti na lang ay alerto at hindi basta pwedeng “palundagin” ng mga “kwentong barbero.”

Ang kanilang sitwasyon ngayon ay walang pinag-iba sa ‘revolutionary tax (extortion) ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa mga negosyante at mga kontraktor partikular sa mga probinsiya na kapag hindi na makapagbigay ay susunugin ang kanilang mga negosyo at kung mamalasin pa, maki=kidnap hanggang sa pumayag ulit na magbayad.

Kumbaga, mga ganitong tao na lang ang “ipinaghahanapbuhay” mo, aguy!

Pero, simple lang ang “solusyon” sa mga abusadong ganyan— ‘entrapment’ at pagkatapos ay “hubaran” ang pagkatao sa publiko.

Paalala naman natin dito kay Mr. Media Man, kung mayroon kang “gatasang baka,” “gatasan” mo lang. Huwag mong “tapahin” dahil kapag “sumipa,” tapos ang masasayang araw mo, hane?

Abangan!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here