Home ENTERTAINMENT Isyu sa MMFF entry ni Vice, sinagot!

Isyu sa MMFF entry ni Vice, sinagot!

200
0

Manila, Philippines – Bukod-tanging ang isang celebrity lawyer lang ang pumalag nang makalusot ang pelikulang And The Breadwinner Is sa unang limang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Pinagbibidahan ni Vice Ganda ang nasabing pelikula.

Ito’y collab sa pagitan ng Star Cinema at Idea First na pag-aari ng dating couple na sina Perci Intalan at Jun Lana.

Ang huli ang siyang direktor nito.

Ayon sa claim ng celebrity lawyer, maaaring maharap sa plagiarism ang Vice Ganda movie.

Kinopya raw kasi ito sa 1955 film na Higit sa Lahat ni Rogelio dela Rosa.

Ayon naman sa pamunuan ng MMDA at MMFF, pag-aaralan daw nila ang claim ng lawyer-film producer.

Sa mismong araw ng anunsyo ay tumangging mag-react ni Intalan.

Pero kaagad daw siyang kumuha ng kopya ng nasabing 1955 movie.

Curious niyang tinanong kung nabasa na raw ba nang buo ng nasabing lawyer ang script ng And The…

Synopsis lang daw kasi ang inanunsyo ng bawat isa sa first batch of five MMFF entries.

Makaraang mapanood ang Higit sa Lahat ay inamin ni Intalan na: “May isang part doon na nagkakapareho, pero hindi masasabing kinopya!”

Ang tinutukoy ni Intalan ay ang bahagi kung saan may insurance scam.

Patuloy niya: “An insurance scam is an insurance scam. It already pre-exists even before the work of fiction.”

Ipinagpipilitan din ng nasabing lawyer na ligwak ang pelikula kung saan bida si Judy Ann Santos dahil mas pinaboran ang isa pang nakalusot na festival entry.

Noon pa ma’y vocal na ang lawyer sa pagsasabing walang katuturan ang  mga pelikula ng Unkaboggable Star. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here