Home ENTERTAINMENT Itan Rosales, na-challenge sa remake ng “Warat”!

Itan Rosales, na-challenge sa remake ng “Warat”!

269
0
Screenshot

Manila, Philippines — Tampok ang hunk actor na si Itan Rosales at ang newbie VMX sexy actress na si Margaret Diaz sa remake ng pelikulang “Warat.”

Ang naturang pelikula ay pinagbidahan noon nina Jomari Yllana at Joyce Jimenez, mula sa pamamahala ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Ayon kay Itan, kakaibang challenge sa kanya na mabigyan ng pagkakataon na gampanan dito ang role ni Jomari.

Aniya, “Ang role ko po sa pelikulang Warat, ako po rito si Rex, ang leading man ni Rica na ginampanan naman po ni Margaret Diaz.

“Sobrang na-challenge ako sa mga eksenang hindi ko inaasahan na kaya ko rin po palang gawin, iyong mga ganoong klase ng actions.”

Dagdag pa ni Itan, “Isa po ito sa pinaka-challenging na role na nagawa ko sa VMX, kasi sobrang kakaiba po ng character dito ni Rex. Hindi mo makikita sa kanya na may pinagdaanan pala siya na hindi ninyo inaasahan, kaya naging ganoon ang pag-iisip niya.”

Ano ang tema ng story ng Warat?

“Bale, love story po siya na may action,” matipid na sagot pa ng guwapitong si Itan.

First time ba niyang naka-partner si Margaret?

“Hindi po, magka-partner din po kami sa isang remake movie na Balahibong Pusa.

“Bale, second time na po naming nakaka-work ang isa’t isa rito sa Warat.”

Ano ba ang ibig sabihin ng Warat? Pinanood ba niya ang pelikulang ito ni Jomari?

Tugon niya, “Sa pagkakaalam ko po, ang salitang warat ay wasak.

“Yes po, pinanood ko po muna ang movie na Warat na ginampanan ni Jomari para makakuha rin po ako ng idea kung ano ba talaga ang kuwento ng naunang movie na Warat.”

Handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok din dito sina Christy Imperial, Marco Gomez, Elmo Elarmo Jr., at iba pa.

Mula sa pamamahala ni Direk Christian Paolo Lat, ang pelikula ay mapapanood exclusively sa VMX PH simula Pebrero 27.

Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here