Home NATIONWIDE ITCZ makakaapekto sa Palawan, VisMin

ITCZ makakaapekto sa Palawan, VisMin

294
0

MANILA, Philippines – Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas, at Mindanao ngayong Linggo, Nobyembre 16, habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang iiral sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Visayas, Mindanao, at Palawan dahil sa ITCZ.

Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Ilocos Region dahil din sa Amihan.

Samantala, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang iiral sa Aurora dahil sa Shear Line, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Central Luzon dahil din sa kaparehong weather system.

Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here