Home ENTERTAINMENT Ivana, nagsalita na sa ‘closet issue’!

Ivana, nagsalita na sa ‘closet issue’!

312
0

Manila, Philippines – Marami ang natuwa at  na-touch sa ginawa ni Ivana Alawi na pagsa-shopping at blowout sa anak ni Katrina Halili na si Katie.

Uploaded ito sa vlog ni Ivana at may pamagat na Can’t Say No Challenge with Katie.

Hindi naman ganun ka close si Ivana kay Katrina.

Nakilala lamang niya ang aktres dahil sa kapatid niyang si Mona. Nagkasama ang dalawa sa isang project.

Sey pa ni Ivana na humanga  daw siya kay Katrina lalo na sa pagiging single mom kaya naman na-excite raw siyang makilala ang mag-ina, huh!

“Wala lang, gusto ko lang reward-an ‘yung bata kasi ang bait-bait, nakapaka-sweet na bata.

“Si Miss Katrina Halili siyempre, gusto ko siyang makausap, napakagaling na nanay at artista,” sey pa  ni Ivana.

Niyaya niya sa isang mall ang mga ito kaya talagang spend to the max si Ivana para sa mga laruan at iPhone plus candies para sa anak ni Katrina na meron palang AST (autism spectrum disorder).

Sey pa ni Katrina, two years old si Katie nang ma-diagnose ng AST at sumailalim sa therapy.

Samantala, walang paki si Ivana sa mga nagbigay ng malisya sa closet nila ng na-link sa kanya na actor/politician na si Dan Fernandez.

Pinag-usapan kasi sa socmed ang parehong design ng closet nina Ivana at ng dating Laguna Congressman.

Parang intentional daw kasi ang pagpo-post ng natalong pulitiko para pag-usapan.

Walang naging confirmation from Ivana at kahit sa dating pulitiko na naging sila kahit may mga  nagsasabi na naging magkarelasyon talaga sila, huh! Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here