Home ENTERTAINMENT Iza, damay sa Heart-Pia issue!

Iza, damay sa Heart-Pia issue!

Manila, Philippines – Just because magaganda ang posts niya tungkol kay Pia Wurtzbach kung kaya’t pinupulutan ngayon sa social media si Iza Calzado.

Teka, parang lumalabas na kung sino ang kaalyado ni Pia ay automatic nang kaaway ng mga tagasuporta ni Heart Evangelista, ganoon nga ba ‘yon?

What has Iza got to do with the issue between Heart and Pia, aber?

Kung kasalanan mang maituturing, ang tanging fault ni Iza ay dahil magkasama sila ni Pia sa isang ad campaign.

Dahil dito, Iza couldn’t help but gush over Pia.

In her Instagram post, Iza wrote: “A true queen. You, my friend, are so worth it!”

Minsama naman ito ng isang supporter ni Heart who retaliated: “Ano’ng sinasabi mong true queen…anong worth it?!”

Hindi naman nagpatinag si Iza na wari’y sinasadyang buwisitin ang pro-Heart netizen.

Iza followed it up by posting: “You’re amazing! I’m always here to support you!”

Hindi rin nagpakabog ang basher ni Pia, bakit daw kailangang suportahan ni Iza ang dating beauty queen?

It had to take cooler heads to pacify the exchange of barbs on Instagram.

Obyus na maka-Iza ang pumagitna

who reminded the anti-Heart netizen na huwag nitong maisali-sali ang aktres sa away nina Heart at Pia.

In the first place, si Iza raw ang tipo ng artistang walang anumang record ng pakikisawsaw sa mga nag-aalitang personalidad.

Upon checking Iza’s Instagram page, so far ay walang hate comments ang mga bashers niya.

Tanging sa IG page ni Pia namumutiktik ang mga bashers ng beauty queen. Ronnie Carrasco III

Previous articleAgresibong aksyon ng Tsina sa WPS tinalakay ng PH, US national security advisers
Next articleTINGNAN: Severino Reyes Awards