Home ENTERTAINMENT Jacuzzi pics ni Herlene, inokray!

Jacuzzi pics ni Herlene, inokray!

Manila, Philippines – Are Herlene Budol’s actions no matter how good perceived to be generally bad?

Parang ito kasi ang lumalabas base sa mga reaksyon ng netizens sa simple’t wala namang kamali-malisyang posts ng komedyana sa social media.

Obyus na nakalikha ng ‘di kaaya-ayang stigma ang umano’y malaswang convo nila ng dating leading man sa Magandang Dilag na si Rob Gomez.

Ang latest kasing flinex ni Herlene ay ilan sa kanyang mga sexy photos habang nakalubog sa jacuzzi.

Mga bula ang makikita sa kanyang buong katawan.

Nilakipan ito ni Herlene ng single word caption na: “Dakak.”

Sukat ba namang pinutakti na siya ng walang habas na pang-ookray mula sa mga netizens!

Anila: “Masarap kumain above sea level!”

Still another basher posted: “Gutom lang ‘yan! Kain ka idol!”

Naging running joke na nga ang mga katagang “Kain tayo!” having been used by Herlene in her alleged invitation na magtalik sila ni Rob.

Itinanggi naman ni Herlene ang paratang attributed to her.

Depensa niya, squammy o taga-squatter man daw siya sa paningin ng iba’y maayos siyang pinalaki ng kanyang lolo’t lola.

At sa halip nga ring panghinaan ng loob, very soon ay magiging isa nang ganap na recording artist si Herlene.

She waxed her first ever single titled Kain Tayo, na obyus na hango sa kinasangkutang intriga.

Nagkaroon naman ng unofficial single si Herlene noon na Talikodgenic daw ako.

At least, kapalit ng intriga ay oportunidad!

Let’s drink…and eat to that! Ronnie Carrasco III