Home ENTERTAINMENT Jake, may mensahe kay Philmar!

Jake, may mensahe kay Philmar!

Manila, Philippines – Nagbahagi ng kanyang saloobin si Jake Ejercito tungkol kay Philmar Alipayo bilang step father sa anak niyang si Ellie.

Sa panayam sa kanya, aniya ay malaki raw ang pasasalamat niya kay Philmar dahil inaalagaan nito ang kanyang anak.

“Si Philmar, I’ve met him several times pag pumupunta ako sa Siargao. He’s kind, courteous.

“Thankful lang din ako sa kanya kasi syempre si Ellie, nakatira sa bahay nila di ba? And as a stepfather, I’m sure inaalagaan niya rin si Ellie. “Wala namang reklamo si Ellie sa akin about him. So, very grateful ako na ganu’n. Hindi ko siya iniisip or pino-problema,” sabi ni Jake

“So I’m sure that Ellie is in good hands kay Philmar and for that, nagpapasalamat ako talaga,” dagdag pa ni Jake.

May usapan daw sila ni Andi na share sila sa co-parenting with Ellie .

Dati, noong wala siyang taping, Jake sees to it na hati sila sa isang buwan ni Andi sa pagsama kay Ellie.

“Minsan,binibisita ko si Ellie sa Siargao.”

Minsa’y nakukuha niya ang bata, 14 days sa Siargao si Ellie at 14 days nasa kanya ang bata dahil hinahanap din ito ng dating Pangulong Erap, lolo ng bata. Ador Saluta

Previous articleChinese mafia na nakakukuha ng PH passport tatalupan ng BI
Next articleNaunang pagtayaya binawi; taas-singil sa kuryente sa Marso nakaumang!