Home ENTERTAINMENT Janice, nag-react sa hiwalayang John-Priscilla!

Janice, nag-react sa hiwalayang John-Priscilla!

Manila, Philippines 2 Always fun to talk with. Never a dull moment.

Hindi boring kausap.

Ilan lang ito sa mga katangian ni Janice de Belen pag kinakapanayam ng press.

Expectedly visible these days ang aktres dahil kasama sa 10 official entries ang kanyang kinabibilangang pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival.

Sinamantala na rin ng press ang presensya ni Janice when chanced upon at a recent pictorial.

Ano pa ba naman ang maaaring uriratin sa kanya kundi ang tungkol sa dati niyang asawang si John Estrada.

Unang-una na nga rito y ang balitang hiwalay na raw ang aktor sa asawa nitong si Priscilla Mereilles.

Out of deference, nagpaalam muna ang reporter kung okey lang ba kay Janice na interbyuhin siya tungkol doon.

“Okey lang, okey din naman kung ayaw kong sagutin, ‘di ba?” sagot nito.

Nang umoo’y nagpasalamat naman ang reporter, pero giit ni Janice: “Huwag ka munang magpasalamat, ‘di ko pa sinasagot ang tanong mo.”

Finally, Janice obliged.

Tungkol sa paghihiwalay nina John at Priscilla, aniya: “Wala akong kinalaman diyan!”

When further squeezed to comment, dito na isinambulat ni Janice ang kanyang saloobin.

Without necessarily saying na ano’ng pakialam niya sa isyu, she stated instead: “Not my life…not my business!”

‘Yun ay marahil para makaiwas na ring maparatangang sticking her nose sa isyung in the first place ay wala naman siyang alam o may kaugnayan.

Basta as far as she’s concerned, it’s an issue which shouldn’t bother her at all. Ronnie Carrasco III