Home NATIONWIDE Japan binatikos sa ‘pakikisawsaw’ sa China-PH maritime issues

Japan binatikos sa ‘pakikisawsaw’ sa China-PH maritime issues

BEIJING- Hindi kasali ang Japan sa South China Sea issue at walang karapatang makialam sa usapin sa teritoryo ng China at Pilipinas, ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy sa Japan nitong Biyernes.

Inihayag ng Japan’s foreign ministry nitong linggo na nababahala ito sa paulit-ulit na aksyon upang gambalain ang freedom of navigation at paigtingin ang regional tensions, kabilang ang kamakailang mapanganib na aksyon na nakapinsala sa isang Filipino vessel at nag-iwang sugatan sa mga sakay na Pilipino.

Tinawag ng Philippine foreign ministry ang aksyon ng China na “illegal and aggressive” sa routine resupply mission noong Lunes, na ayon sa Philippine military ay nag-iwang sugatan sa isang navy sailor at nakasira sa sasakyang pandagat ng Manila.

Itinanggi naman ng China ang mga alegasyon sa komprontasyon ng dalawang bansa sa Second Thomas Shoal, ang pinag-aagawang atoll saklaw ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa malawak na South China Sea. Kilala rin ang Second Thomas Shoal bilang Ayungin Shoal.

“We express our strong dissatisfaction and resolute opposition to the fact that the Japanese side has once again made erroneous remarks on the South China Sea issue that manipulate right and wrong, and make unreasonable accusations against China,” anang opisyal.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea. Nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration noong 2016 na ang claims ng China ay walang legal na basehan, na hindi naman kinikilala ng Beijing.

Sinabi ng Japan na patuloy ang pagsusulong nito ng rule of law sa karagatan at pakikipagtulungan sa international community, tulad ng ASEAN member states at sa United States.

“Japan’s cooperation with the United States and the Philippines must not undermine China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests,” wika ng tagapagsalita ng China.

Kamakailan ay nagsagawa ang U.S, Canada, Japan, at ang Pilipinas ng two-day joint maritime exercise sa exclusive economic zone ng Manila sa South China Sea. RNT/SA