MANILA, Philippines – Ipinaalam ng embahada ng Japan at Canada sa Pilipinas na sarado ang kanilang mga opisina sa Abril 2 (Maundy Thursday) at Abril 3 (Good Friday) bilang paggunita sa Holy Week.
Ayon sa Embahada ng Canada, hindi sila mag-ooperate sa nasabing mga petsa. Para sa mga Canadian citizen na nangangailangan ng emergency assistance, maaaring tumawag sa +1 (613) 996-8885 o mag-email sa [email protected]. RNT/MND