KUALA LUMPUR, Malaysia – Kapuwa nagkasundo sina Japanese Prime Minister Sanae Takaichi at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang pagtutulungan ng dalawang bansa kabilang na sa larangan ng seguridad.
Ang Pilipinas ay mayroong territorial disputes sa China sa South China Sea.
Ang dalawang lider ay nagpulong sa Kuala Lumpur na umabot ng 20 minuto sa sidelines ng serye ng summits na kaugnay ng Association of Southeast Asian Nations.
Sa kabilang dako, sa pagmarka ng 70th anniversary ng normalisasyon ng diplomatic relations sa pagitan ng Japan at Pilipinas, inimbitahan ni Pangulong Marcos si Takaichi, naupo sa puwesto, araw ng Martes, na bumsita sa Pilipinas sa 2026.
“We discussed our respective issues of concern frankly,” ang sinabi ni Takaichi sa mga mamamahayag matapos ang miting. (KRIS JOSE)