Home METRO Japan tutulong sa digital birth registration sa BARMM

Japan tutulong sa digital birth registration sa BARMM

249
0

MANILA, Philippines – Nangako ang gobyerno ng Japan nitong Lunes, Hulyo 7 na magbibigay ng suporta sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Sulu Province sa pagsusulong ng digital birth registration ng mga indibidwal.

Ayon sa Embahada ng Japan sa Maynila, “The Project for Promoting Digital Birth Registration of Populations at Risk of Statelessness in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)” ay naglalayong gawing digital ang mga proseso ng civil registration ng mga Local Civil Registrars.

Layunin din nitong ilapit ang mga mobile birth registration activities sa mga vulnerable area para madaling ma-access ng mga residente ang mga ito. 

“This Official Development Assistance (ODA) underscores Japan’s greater confidence in realizing human security that accommodates the region’s diverse people,” saad ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya.

Sinabi ng embahada na ang proyekto ay ipinatupad ng UNHCR, na may pondong nagkakahalaga ng JPY 858 milyon (USD 5.5 milyon) na grant.

Ito ay magpapadali ng pagpaparehistro ng kapanganakan ng Sama Bajaus o mga hindi rehistradong bata sa konteksto ng sapilitang pagpapaalis dahil sa armadong tunggalian sa rehiyon, dagdag ng embahada.

Sinabi ni Kazuya na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dokumento ng kapanganakan sa mga populasyon na ito na nasa panganib ng kawalan ng estado, magkakaroon sila ng higit na access sa mga serbisyo ng gobyerno, edukasyon, at mga oportunidad sa trabaho.

“The program will benefit at least 130,000 unregistered individuals in 50 communities situated in the provinces of Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi, with 800,000 more indirectly benefiting in the next 10 years,” ani Kazuya.

Nag-padala si Kazuya ng mga sasakyan, bangkang de-motor, at mga advocacy kit, na inaasahang makakatulong sa pagtiyak ng mas mabilis at komprehensibong pagpapakalat ng impormasyon sa kahalagahan ng pagpaparehistro ng kapanganakan sa Bongao, Tawi-Tawi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here