Home ENTERTAINMENT Jason, ibinida pagtulong ni Boy!

Jason, ibinida pagtulong ni Boy!

Screenshot

Manila, Philippines- Sabi nga, “Never let your left hand know what your right hand is doing.”

Sa simpleng kahulugan nito, ibig sabihi y hindi mo kinakallangang ipagmakaingay ang ginagawa mong kawanggawa o kabutihan sa kapwa.

That is the real essence of the word “charity.”

Kung hindi pa naging panauhin si Jason Abalos sa Fast Talk ay hindi pa malalaman ng tao ang ginawang kabutihan sa kanya ng host nitong si Boy Abunda.

Sinamantala na ni Jason ang kanyang guesting to promote his latest TV series kung saan bida si Jo Berry.

Pagbabalik-tanaw ng aktor, taong 2004 nang sumali siya sa Star Circle Season 2.

Isa raw sa mga judge noon ay si Boy.

Sa kasamaang palad, ligwak si Jason.

Ka-batch ni Jason noon sina Erich Gonzales, Aaron Villaflor at marami pang iba.

Jason recalls having spoken fondly of his family lalung-lalo na ang kanyang ina.

Nagkataong maka-ina rin si Boy kaya nakaka-relate siya kay Jason.

Nang maligwak daw si Jason, hindi siya pinabayaan ni Boy who handed him a cheque.

Ani Boy raw sa kanya, ibili nito ang kanyang ina ng pasalubong pag-uwi ng kanilang probinsya.

‘Di man pinalad sa Star Circle Quest ay nginitian naman ng magandang kapalaran si Jason.

Noong 2022 ay pumalaot si Jason sa lokal na pulitika.

He won a seat as board member sa ikalawang distrito in his native Nueva Ecija.

In his recent guesting, bitbit ni Jason ang alaala ng kabaitan ni Boy na hanggang ngayo’y lubos niyang ipinagpapasalamat.

“Anak” pa nga raw ang tawag noon ni Boy sa kanya.

Sa mga hindi nakakaalam, “Ama” kung tawagin ng kanyang mga alagang artista ang King of Talk. Ronnie Carrasco III