Home ENTERTAINMENT Jen, ligwak sa bagong GMA station ID; fans, nagwala!

Jen, ligwak sa bagong GMA station ID; fans, nagwala!

Manila, Philippines- Ini-launch na ang bagong station ID ng GMA.

Kaso’y inalmahan ito ng mga tagahanga ni Jennylyn Mercado.

Nabulabog tuloy ang social media dahil nagkakagulo ang mga ito.

Bale, dahil sa kanilang ‘di pagpayag na basta na lang iniligwak ang first alumna ng artista sesrch na Starstruck ay nagbanta pa ang mga fans na reresbak!

Good thing, isa sa mga nagha-handle kay Jennylyn sa Aguila Entertainment ay nagpaliwanag sa X (dating Twitter).

Ani Jan Enriquez: “Kalma lang, mga beshies…we have Jennylyn’s best interest in mind!”

Mangyaring maghintay na lang daw ang mga fans sa aabangang career developments sa aktres.

“Rest assured it’s worth the wait. Baka nga hindi n’yo ine-expect ‘yon. ‘Di namin pababayaan si Jen hanggang dulo!” dagdag pa ni Jan.

Dahil sadyang mainipin ang mga fans ay nangulit ito kung kelan daw mangyayari ‘yon.

Jan replied: “It’s a process.”

Napakalma lang nito ang mga fans nang sabihan silang hindi nagswak ang schedule ng aktres nang i-shoot ang station ID.

Pero ipinagpapasalamat ni Jan na ang pag-aalala ng mga fans ay nangangahulugan lang “how important she is as an actress.”

Bukod kay Jennylyn, kabilang din sa mga wala sa GMA station ID sina Carla Abellana, Gabby Concepcion, Ai Ai de las Alas, Max Collins, Jo Berry, Martin del Rosario, Yasmien Kurdi, Yassi Pressman, Zoren Legaspi, the Legaspi twins Cassy and Mavy, among others. Ronnie Carrasco III