Home ENTERTAINMENT Jilian, sinabing worst year ang 2025!

Jilian, sinabing worst year ang 2025!

265
0

Manila, Philippines – Totoo na ang buhay–sabi nga–ay weather-weather lang.

This includes even the celebrity life of Jillian Ward as she assesses the outgoing year.

Looking back nga–as she’s about to welcome 2026–maraming intrigang kinaharap ang Kapuso actress sa loob ng 2025.

Ito ang taong ito kung kailan napagbintangan si Jillian na may sugar daddy na gumagastos sa kanyang mga luho.

It’s something that she vehemently denied–saying na anuman ang naipundar niya’y literal na katas ng kanyang blood, sweat and tears.

Sa taong 2025 din naisiwalat na meron pala silang falling out ng kanyang co-star sa Prima Donnas at dating kaibigan na si Sofia Pablo.

But thank God, it’s all over.

Ang mas mahalaga naman ay maraming aral ang kinapulutan ng aktres mula sa mga karanasang ‘yon.

Aniya: “Marami akong kailangang i-overcome and I felt I needed that to become a better person as well as a better artist.”

Mukhang isinasabuhay ni Jillian ang pamagat ng aabangang serye niya sa GMA opposite David Licauco–ang Never Say Die. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here