Home SPORTS Jin ng BTS proud olympic flame bearer  sa Paris Olympics

Jin ng BTS proud olympic flame bearer  sa Paris Olympics

MANILA, Philippines — Sinimulan ng BTS member na si Jin ang torch relay para sa Paris 2024 Summer Olympics.

Sa isang mensahe sa pamamagitan ng kanyang ahensyang Bighit Music, sinabi ni Jin na ikinararangal niyang makilahok sa isang makabuluhang sandali.

“Salamat sa ARMY, nagawa kong gampanan ang napakagandang tungkulin ng torchbearer. Maraming salamat,” aniya.

“Sobrang kinakabahan ako na hindi ko alam kung paano lumipas ang oras, ngunit nagawa kong tapusin ito sa abot ng aking makakaya salamat sa mahusay na suporta mula sa maraming tao sa site,” dagdag niya.

Sinabi ni Jin na susuportahan niya ang lahat ng Korean athletes na sasali sa Olympics.

“Sana lahat ng Korean national team athletes na lumahok sa Olympics ay makakamit ang magagandang resulta kapalit ng kanilang mga pagsisikap, at suportahan ko sila nang buong puso,” aniya.

“Umaasa din ako na maraming interes ang maibigay hanggang sa 17th Paris Paralympic Games, na gaganapin ngayong Agosto. Ako ay maglalagay din ng higit na pagsisikap at trabaho upang mapabilib sa hinaharap,” dagdag niya.

Ipinasa ni Jin ang sulo sa dating French national freestyle skiing athlete na si Sandra Laoura sa harap ng Pyramid of the Louvre.