Home NATIONWIDE Jinggoy kay Sarah Discaya: Contact mo sa DPWH, pangalanan!

Jinggoy kay Sarah Discaya: Contact mo sa DPWH, pangalanan!

237
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na dapat pangalanan ni Sarah Discaya, dating Pasig City mayoral candidate, ang kanyang mga contact sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tumulong upang makakuha umano ang kompanya nito ng mga flood control projects mula sa ahensya.

“Well, first of all, I will ask her, sino ba ang kontak mo diyan sa DPWH? How come you garnered a lot contracts there?” ani Estrada sa panayam ng ANC.

Nakikita ni Estrada ang pagsasabwatan ng mga contractor at mga opisyal ng DPWH kung bakit 15 lamang sa mga kontratista ang nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa bansa, at kabilang na dito ang kompanya ni Discaya.

“Collusion, number 1, pangalawa, siguro nag-aaadvance na itong mga contractor sa mga opisyal DPWH… Siguro yayariin nila yung bidding,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatatawag niya ang St. Timothy Construction, ang contractor na nakakuha ng bilyon-bilyong pisong halaga ng proyekto mula sa pamahalaan para pagpaliwanagin kung bakit hindi pa rin natatapos ang flood control project sa Bulacan at kung bakit substandard ang pagkakagawa rito, dalawang taon matapos ang inaasahang completion date nito.

Ang St. Timothy Construction ay iniuugnay kay Pacifico at Sarah Discaya, mag-asawa, na kumukontrol sa grupo ng construction companies na nakabase sa Pasig City.

Ani Estrada, hihiling siya sa Senate Blue Ribbon Committee na mag-isyu ng warrant of arrest sa mga contractor na magpapatuloy sa pagliban sa Senate inquiry kaugnay sa kwestyonableng mga flood control project.

Nitong Lunes, pinirmahan na ni Senate President Francis Escudero ang mga subpoena para sa mga kontratista ng flood control para obligahin ang mga ito na dumalo sa susunod na pagdinig sa isyu.

Kabilang sa mga ipatatawag ay sina:

• Mr. Luisito R. Tiqui, Presidente ng L.R. Tiqui Builders, Inc.

• Ms. Cezarah C. Discaya, Presidente ng Alpha and Omega Gen. Contractor & Development Corporation

• Mr. Lawrence R. Lubiano, Presidente ng Centerways Construction and Development Inc.

• Mr. Edgar S. Acosta, Presidente ng Hi-Tone Construction & Development Corp.

• Ms. Marjorie O. Samidan, authorized managing officer ng MG Samidan Construction

• Mr. Romeo C. Miranda, Presidente ng Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.

• Ms. Ma. Roma Angeline D. Rimando. Presidente ng St. Timothy Construction Corporation

• Ms. Aderma Angelie D. Alcazar, President/CEO ng Sunwest, Inc.

• Mr. Eumir S. Villanueva, Presidente ng Topnotch Catalyst Builders Inc.

• Mr. Mark Allan V. Arevalo, General Manager ng Wawao Builders

“I still don’t believe that they are going to have many excuses because once the excuse is unacceptable, I will really move for their arrest, for the committee to issue a warrant of arrest,” pagbabahagi ni Estrada. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here