Home HOME BANNER STORY Jinggoy naghain ng perjury case laban kay Hernandez

Jinggoy naghain ng perjury case laban kay Hernandez

267
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senador Jinggoy Estrada ng perjury case laban kay dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa mga alegasyong pag-uugnay sa senador sa mga maanomalyang infastructure project.

Dumating si Estrada sa prosecutor’s office ng alas-9:15 ng umaga.

Ito ay matapos na akusahan ni Hernandez ang senador sa House hearing noong Setyembre 8 na nag pasok ng P355 million halaga ng flood control projects sa 2025 national budget at umano’y nakatanggap ng 30% kickback sa mga proyektong ito.

Tinanggi ng senador ang mga akusayon at sinabing “kathang-isip at gawa-gawa” lamang ang mga ito. Maaalalang hinamon din niya si Hernandez na sumailalim sa lie-detector test upang malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Samantala, nauna nang tinanggal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sina Construction Section Chief Jaypee Mendoza at Accountant Juanito Mendoza ng Bulacan first engineering district office dahil sa disloyalty, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ang dismissal ay may mga parusa ng perpetual disqualification mula sa pampublikong opisina, forfeiture of retirement benefits, at pagkansela ng civil service eligibility, at idinagdag na ang hakbang ay “without prejudice” sa mga posibleng sibil o kriminal na kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here