Manila, Philippines – Magiging grandparents na sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Sighted nga sa isang pagtitipon ang mag-asawa kasama ang panganay na si Jimuel at ang dyowa nito.
Napansin ng mga katikatera na tila malaki na ang tiyan ng babae kaya nagkaroon ng suspetsa na on the family way si girl.
Lately, nakumpirma na buntis nga ang nobya ni Jimuel.
Masayang ibinahagi ni Jinkee ang video ng simpleng gender reveal ni Jimuel at ng kasintahan nito sa Facebook kung saan marami ang nagbunyi.
Sa post niya, inamin ng asawa ng Pambansang Kamao na nagulat siya na babae ang kanyang magiging apo dahil iba ang inaasahan niya.
Gayunpaman, sinabi niya na proud mamita raw siya at happy sa panibagong blessing na natanggap ng pamilya.
Sa post niya, kasama rin ang mga litrato ng kanyang panganay noong bata pa ito na kinakalong niya.
Aniya: “The day I became your mother, my world changed instantly. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed.
“Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon, sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko.
“Grabe, kapaspas gyud sa panahon sunod bulan naa na koy apo. So grateful to God. He is indeed good all the time!” dugtong niya.
May mga reax naman ang netizens at sinabing magandang lola si Jinkee.
Sinabi pa na suwerte raw ang apo ni Jinkee dahil siguradong magiging spoiler na lola raw ito.
Ang anak niyang si Jimuel ang dating dyowa ni Heaven Peralejo. Archie Liao