Manila, Philippines – Iniisyu ng kibitzers na may namumuo raw na balikan kay John Lloyd Cruz at sa ex nitong si Ellen Adarna, na ina ng anak nilang si Elias.
Sa isa kasing panayam, inamin ni Bayani Agbayani na inalok na siya ni Lloydie para makasama sa isang sitcom na ipo-prodyus mismo ng aktor.
Siyempre, na-divulge rin na ang proyekto ay pagtatambalan nina Lloydie at Ellen.
Ibinida rin niya na kasama sa cast ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.
Ang development na ito ay lumutang pagkatapos ng isyu ng diumano’y hiwalayan nina Lloydie at ng dyowa nitong si Isabel Santos.
May mga mahadera pang nagli-link kay Ellen sa umano’y ‘paghihiwalay’ ng dalawa.
Matatandaang noong Abril lang ay sighted ang mag-ex sa isang bonding moment kasama ang Kapuso executives.
Ito naman ang ilang hirit ng kibitzers hinggil sa isyu.
“Fresh from Bayani, so it’s confirmed na may sitcom sina John Lloyd at Ellen.”
“Nami-miss ko nang umarte si Lloydie. How does he fare kaya sa comedy.”
“May Home, Sweetie Home sila noon ni Toni G sa ABS kasama si Ellen.In 2021 until 2023, may Happy Together naman siya sa GMA-7.”
“So balikan na ito, hindi kaya ma-develop sila sa isa’t-isa?”
“Hindi kaya gimik lang iyong hiwalayan nila ni Isabel.”
“Bakit nga ba may emote at nag-deactivate ng IG si Isabel. Maybe the rumor is true.”
“Is it a second chance for John Lloyd and Ellen?”
“That confirms iyong meeting nila with GMA executives.”
“Glad na may reunion project sila.”
“If it’s true na break na si JL sa dyowa niya, laki ng chance na magkabalikan sila.” Archie Liao