Home METRO JO, COS empleyado sa DPWH, prayoridad mabigyang pwesto – Dizon

JO, COS empleyado sa DPWH, prayoridad mabigyang pwesto – Dizon

286
0

MANILA, Philippines – Bibigyang prayoridad ni DPWH secretary Vince Dizon na mabigyan ng puwesto ang mga job order at contract of service na empleyado ng ahensya.

Ginawa ni Dizon ang pahayag kasunod ng anunsyo na nasa 2,000 bakanteng posisyon ang dapat punan sa kagawaran.

Ayon kay Dizon, marapat na unanhing ikonsidera ang mga nasa loob na empleyado ng DPWH basta ang mga ito ay merong mga kinakailangang mga kwalipikasyon sa kanilang mga inaaplyan.

Dagdag pa ng kalihim ipatutupad din nila ang merit based system o ung nakabase ang promosyon o hiring sa kalidad, sipag at trabaho ng isang aplikante at hindi sa kung sino ang kakilala o gaano na katagal sa ahensya.

Malinaw aniyang ehemplo dito ang ginawa niyang pag promote kay bagong upong Usec for Convergence and Technical Services Lara Esquibil, 36 anyos pa lamang at lumaktaw ng ilang posisyon para makopo ang kasalukuyan niyang posisyon.

Ayon kay dizon ang pagkuha kay Esquibil ay base sa mga patotoo ng mga dating kalihim ng DPWH hinggil sa kalidad ng trabaho at sa kapasidad nito bilang isang engineer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here